Ini-enjoy ni Ellen Adarna ang kanyang pagiging single ngayon sa pamamagitan ng pag-eehersisyo at pamamasyal sa magagandang tourist spots sa Cebu.

Noong Biyernes, September 25, nag-stretching si Ellen, kasama ang mga pinsan niyang sina Mia at Mika Adarna, sa pagmamay-ari ng kanilang pamilya na Temple of Lea sa Cebu.

View this post on Instagram

A post shared by EA (@maria.elena.adarna) on Sep 25, 2020 at 6:39am PDT

Kinabukasan, Sabado, September 26, nagpunta naman si Ellen sa isang tagong ilog sa kabundukan kung saan siya naligo.

Caption ni Ellen sa in-upload niyang video, "Me x10."

View this post on Instagram

A post shared by EA (@maria.elena.adarna) on Sep 26, 2020 at 7:55am PDT

Sa comments section, isang basher ang pumuna sa pagiging "laagan" o lakwatsera umano ng sexy star.

Komento ng basher sa wikang Tagalog at Bisaya, "Dalaga ghorl? Ka laagan ba?" ["Dalaga ghorl? Ang lakwatsera naman."]

Hindi naman pinalampas ni Ellen ang komentong ito.

Halatang naasar ang 32-year old Cebuana actress dahil dalawang beses niyang sinagot ang netizen pero pareho lamang ang mensahe.

Tugon ni Ellen sa wikang Bisaya: "Nanu man ghorl na mura ug boy na mura ug "ghorl" (wako kasabot unsaon ka ug address kai naglibog kog babaye baka or laki).

["Bakit naman ghorl na parang boy na parang ghorl (hindi ko maintindihan kung paano kita tatawagin dahil nalilito ako kung babae ka or lalaki.]

"First, this is my life and 2nd ma dalaga or not, people need a break.

"Ayaw kaayo ipa claro imong ka ignorante ghorl na murag boy… ngil-ad."

["Huwag mong ipakita ang inyong pagiging ignorante ghorl na parang boy… pangit."]

graphical user interface, text, application © Provided by PEP.ph

Hindi na sumagot ang basher sa komento ni Ellen.

THE BREAKUP

Lagpas isang taon nang hiwalay si Ellen at ang dati nitong partner na si John Lloyd Cruz.

August 2019, inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balita ng kanilang hiwalayan.

Mayroon silang isang anak, si Elias Modesto, na dalawang taong gulang na ngayon.

Ayon sa isang PEP.ph source, "co-parenting" na lang estado nila ngayon.

Huling nagsama sina Ellen at John Lloyd  sa isang video na humihikayat sa mga Cebuano na makipagtulungan sa gobyerno upang hindi na kumalat pa ang COVID-19 virus.

Sa ngayon, may lumulutang na balitang baka magbalik-showbiz si John Lloyd sa pamamagitan ng isang proyekto para sa TV5.

October 2017 nang mag-indefinite leave ang aktor sa showbiz.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Microsoft may earn an Affiliate Commission if you purchase something through recommended links in this article.
Feedback

Found the story interesting?

Like us on Facebook to see similar stories


Send MSN Feedback

We appreciate your input!

Please give an overall site rating:

国产在热线精品视频99,99re热这里有精品首页,99re视频热这里只有精品7