a woman wearing a costume posing for the camera © Provided by PEP.ph

Literal na pitong araw na sa isang linggo mapapanood sa cable, online, at iba pang social media platforms ng ABS-CBN ang aktres na si Kim Chiu, 30.

Ngayong Lunes, September 28, pormal na siyang winelcome sa It’s Showtime bilang regular co-host.

Kim Chiu posing for the camera © Provided by PEP.ph PHOTO: Courtesy: It's Showtime on YouTube

Ang It’s Showtime ay napapanood araw-araw, mula Lunes hanggang Sabado.

Pagdating ng Linggo, may ASAP Natin ‘To naman si Kim.

"Sobra, Madlang Pipol!" sigaw ni Kim sa tanong ni Vice Ganda kung gaano siya kasayang maging bahagi ng noontime show ng Kapamilya network.

Kumpleto ang buong It’s Showtime family sa pag-welcome nila kay Kim.

a group of people standing in a room © Provided by PEP.ph PHOTO: Courtesy: It's Showtime on YouTube

Sabi ni Vice, "Congratulations for officially becoming our kapatid dito sa Showtime."

Dagdag pa ni Vice, "Pero, thank you because you choose to stay with us, you choose to be with us. Salamat. Maraming salamat."

© Provided by PEP.ph PHOTO: Courtesy: It's Showtime on YouTube

Naging emosyunal naman si Kim sa salitang "stay."

Maluha-luha niyang pahayag, "Thank you na pinayagan niyo akong tumuntong dito. And magkakasama tayo.

"Masaya lang ako na araw-araw tayo tatawa. Masaya ako na Kapamilya forever tayo."

Dagdag naman ni Vice, "We are very happy na officially parte ka na ng pamilyang ito."

a person sitting on a bed © Provided by PEP.ph PHOTO: Courtesy: It's Showtime on YouTube

KAPAMILYA STARS TO WORK ON TV5

Dahil sa pagbasura ng Kongreso sa franchise application ng ABS-CBN, maraming talents ang Kapamilya network ang naghahanap ngayon ng oportunidad sa labas ng istasyon.

Ang pinakahuli nga sa mga ito ay si Jane Oineza, na magkakaroon ng palabas sa TV5.

Nauna nang lumutang ang pangalan nina Piolo Pascual, Catriona Gray, at Maja Salvador na gagawa ng Sunday variety show na SUP o Sunday Ultimate Party, ang dating Live@5.

Kasunod namang napabalita sina Billy Crawford, Bayani Agbayani, KC Montero, Wacky Kiray, at K Brosas na magiging hosts ng bagong noontime show ng Kapatid network na may titulong Laugh Out Loud.

Ang mga palabas na ito ay ipo-produce ng Brightlight Productions ni dating Negros Occidental Congressman Albee Benitez.

Nauna nang nabigyan ng palabas sa TV5 sina Pokwang, Ria Atayde, at Jessy Mendiola.

Kakapirma lang din ng dating TV Patrol anchor at DZMM broadcaster na si Ted Failon sa TV5.

Pero marami pa ring Kapamilya stars ang piniling manatili sa ABS-CBN. Kabilang sa kanila sina Angelica Panganiban, ang tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, at nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Pagdating naman ng 2021, si Laurenti Dyogi na ang tatayong head ng Star Magic, ang talent-management arm ng Kapamilya network.

Papalitan ni Dyogi ang long-time head ng Star Magic na si Mariole Alberto pagsapit ng January 1, 2021.

Dahil sa movement na ito ng network, may A-listers daw na Star Magic artists ang nais nang magpa-release ng kanilang kontrata.

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Microsoft may earn an Affiliate Commission if you purchase something through recommended links in this article.
Feedback

Found the story interesting?

Like us on Facebook to see similar stories


Send MSN Feedback

We appreciate your input!

Please give an overall site rating:

国产在热线精品视频99,99re热这里有精品首页,99re视频热这里只有精品7