JC de Vera posing for a picture © Provided by PEP.ph

Contrary to earlier reports, hindi kasama si JC de Vera sa cast ng Sunday Kada Kada Sunday.

Pitong araw na nag-taping ang cast ng show sa Boracay Island para sa pilot episode ng bagong gag show na mapapanood sa TV5 simula sa susunod na buwan.

Si Edgar Mortiz ang creator at direktor ng Sunday Kada Kada Sunday.

Cast members nito ang ilan sa mga artista niya sa Banana Sundae, ang kanyang defunct Sunday afternoon gag show sa ABS-CBN.

Wala si JC sa Boracay taping ng Sunday Kada Kada Sunday, pero naroroon ang kanyang former Banana Sundae co-stars na sina Sunshine Garcia, Ritz Azul, Wacky Kiray, at Jayson Gainza.

Kasama rin sa taping si Jerome Ponce at si Joshua Colet ng Los Bastardos.

Special guests naman sina Maxine Medina at Daniel Matsunaga, na malaki ang posibilidad na ipalit kay JC bilang mainstay ng programa.

Mapapanood ang Sunday Kada Kada Sunday sa TV5 tuwing Linggo, pagkatapos ng SUP (Sunday Ultimate Party), ang musical variety show na itatapat sa ASAP Natin 'To ng ABS-CBN at All-Out Sunday ng GMA-7.

Walang ipinagkaiba ang timeslot ng Sunday Kada Kada Sunday sa oras ng Banana Sundae, na natutunghayan noon pagkatapos ng ASAP noong hindi pa binabawi ng Kongreso ang franchise ng ABS-CBN.

Ang Brighlight Productions ni former Congressman Albee Benitez ang producer ng SUP at ng Sunday Kada Kada Sunday.

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa schedule, nakatakda sa October 18 ang pilot telecast ng dalwang TV shows.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Microsoft may earn an Affiliate Commission if you purchase something through recommended links in this article.
Feedback

Found the story interesting?

Like us on Facebook to see similar stories


Send MSN Feedback

We appreciate your input!

Please give an overall site rating:

国产在热线精品视频99,99re热这里有精品首页,99re视频热这里只有精品7