a large body of water with a mountain in the background © Provided by PEP.ph

Naghatid ng pangamba sa mga residente ng Cavite at Batangas ang mga tweet na muling nag-aalburoto ang Taal Volcano.

Nag-trending sa Twitter ang Taal ngayong Linggo ng gabi, September 27, dahil sa mga kababayan nating nababahala sa sitwasyon.

Pero wala silang dapat ipag-alala dahil ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ang mismong nagsabing walang kinalaman sa Taal Volcano ang malalakas na kulog at kidlat na namataan at naramdaman sa naturang lugar.

"Lighting and thunderstorm observed near Taal Volcano is not volcano related as per weather advisory from PAGASA," pahayag ng PHIVOLCS.

Ginamit na basehan ng PHIVOLCS ang Thunderstorm advisory na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong gabi, 7:41 P.M.

Nakasaad dito: "Moderate to heavy rainshowers with lightning and strong winds are expected over Metro Manila, Rizal, Pampanga, Batangas within the next 2 hours."

Nanawagan ang concerned citizens at residents ng Cavite at Batangas na maging responsable ang lahat sa pagbabalita tungkol sa sitwasyon ng Taal Volcano dahil nagdudulot sa kanila ng malaking takot ang fake news.

Huling sumabog ang Taal Volcano noong January 12, 2020 at nag-iwan ng malaking pinsala sa maraming lugar sa mga nasabing lalawigan.

Ito ang ilan sa maraming pakiusap at panawagan ng ating mga kababayang apektado ng fake news tungkol sa malalakas na kulog at kidlat sa paligid ng Taal Volcano:

"Don’t scare us."

"Maraming Batangueno ang nagpa-panic."

"Don’t spread false information about Taal Volcano."

"Paniwalaan lamang ang advisory ng PHIVOLCS."

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!?https://bit.ly/PEPChika

Microsoft may earn an Affiliate Commission if you purchase something through recommended links in this article.
Feedback

Found the story interesting?

Like us on Facebook to see similar stories


Send MSN Feedback

We appreciate your input!

Please give an overall site rating:

国产在热线精品视频99,99re热这里有精品首页,99re视频热这里只有精品7