a woman posing for a picture © Provided by PEP.ph

GORGY RULA

As of today, September 28, hindi pa tinatanggal sa 50 official candidates ng Miss Universe Philippines 2020 ang kandidata ng Sorsogon na si Isabel Galeria.

Sa kanyang Instagram post kahapon, September 27, inanunsiyo ni Isabel na positibo siya sa COVID-19. Kaya ang inaasahan ng lahat na hindi na siya puwedeng sumali sa kauna-unahang Miss Universe Philippines.

Si Isabel ay isang registered nurse.

View this post on Instagram

A post shared by Maria Isabela Galeria (@mariaisabelagaleria) on Sep 26, 2020 at 9:36pm PDT

Naka-text ng PEP Troika ang creative director ng national beauty pageant na si Jonas Gaffud ngayong araw, at sinabi niyang kasali pa rin si Isabel.

"Sa October 8 magti-test pa siya uli, e. If negative na siya, puwede na siya uli," sabi niya sa amin.

Hindi nagkakasama-sama ang candidates at production staff. Pero mga two weeks before the competition ay ila-lock in na silang lahat, kaya dapat matiyak na negative silang lahat sa coronavirus.

Nang nakapanayam namin si Jonas sa DZRH noong Biyernes, September 25, binanggit niyang titiyakin nilang negative ang resulta ng swab test nila bago sila pumasok sa venue na pagdadausan ng kumpetisyon at sa hotel na tutuluyan nila.

"Three days kasi ang judging…matagal ang proseso. Kaya kailangang maayos ang schedule, i-swab test silang lahat.

"Pero kung meron ngang magka-positive, hindi siya itutuloy," pakli ni Jonas.

Sa October 25 ang grand coronation ng Miss Universe Philippines 2020.

Marami ang nagsasabing sana ay ipagpaliban ang timpalak dahil mahirap pa sa panahon ngayon ng pandemya.

Sabi naman ni Jonas tungkol dito, "I think we have to move forward, e. Hindi naman puwedeng i-stop natin ito.

"Tuloy ang buhay at kapag sumunod nang maayos, ang protocols at lahat ay maayos na nagtatrabaho, I think we can go on, move on."

Samantala, binanggit sa amin ni Jonas na kung hindi kumportable ang isang kandidata sa pagsasalita ng English o Tagalog, puwede itong magsalita sa sariling dialect, at magpu-provide sila ng interpreter.

"Naniniwala kami sa authenticity… kung okay silang mag-English, kung yun ang way naman mag-explain ng mga bagay, okay lang din naman. Irespeto namin yun.

"Pero naniniwala kasi ako na hindi lahat na mga tao makakapag-explain nang maayos sa English. Hindi ibig sabihin, hindi ka na matalino nun.

"Puwede mo namang i-express ang sarili mong lengguwahe pero matalino ka," sabi pa ni Jonas.

NOEL FERRE

Gets ko na tuloy ang buhay kahit may pandemya, pero sana, masalamin ng kasalukuyang Miss Universe Philippines ang konteksto ng panahon na paggaganapan niya.

Maliban sa pag-observe ng strict health protocols, gusto nating makita ang mga kandidata na tumutulong sa COVID education and response, at sa iba’t ibang outreach ngayon.

Dito kasi makikita ang saysay at pagka-napapanahon ng isang timpalak-kagandahan sa panahon ng pandemya.

Ayaw nating matulad ito sa white sand-dolamite issue, na ang sabi’y makakatulong sa ating mental health, samantalang ang perang ginastos ay puwedeng pambigay ng ayuda at pagkain sa mga talagang hikahos at hilahod ngayon.

JERRY OLEA

Nagsulputan ang virtual pageants na may temang quarantine—panlalaki, pambabae, at pambading.

Pero siyempre, iba pa rin ang prestige ng Miss Universe, Miss World, at Miss International.

Sa paglaganap ng pandemya, inaasam nating maging makabuluhan ang mga ganitong timpalak.

Interesting ang journey ni Isabel bilang isang aspiring beauty queen na nagka-COVID.

Nawa’y malampasan niya sa lalong madaling panahon ang pagsubok ng coronavirus, at makamit ang minimithing korona bilang reyna ng kagandahan.

"And I... thank you!"

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Microsoft may earn an Affiliate Commission if you purchase something through recommended links in this article.
Feedback

Found the story interesting?

Like us on Facebook to see similar stories


Send MSN Feedback

We appreciate your input!

Please give an overall site rating:

国产在热线精品视频99,99re热这里有精品首页,99re视频热这里只有精品7